Product Name
Option 1 / Option 2 / Option 3
Weekly Delivery
Product Discount (-$0)
COUPON1 (-$0)
$0
-
Thank you! Your submission has been received!
Oops! Something went wrong while submitting the form.
+
Cart is empty
Success message won't be visible to user. Coupon title will be listed below if it's valid.
Invalid code
Coupon1
Coupon2
Subtotal
$0
Order Discount
-$0
COUPON2
-$0
Total
$0
Premature Ejaculation

Foods to Cure Premature Ejaculation

Discover how foods to cure premature ejaculation can help improve blood flow, nerve control, at mas matagal na performance with GoRocky.

Learn more

Key Takeaways

  • Ang tamang pagkain ay tumutulong sa blood flow, hormone balance, at nerve regulation para sa mas kontroladong sexual performance.
  • Mga pagkain tulad ng oysters, almonds, at leafy greens ay tumutulong sa pagpapabuti ng sirkulasyon, hormonal health, at nerve function.
  • Makakatulong sa stamina at performance ang healthy diet, ehersisyo, at stress management, ngunit maaaring kailangan rin ng medical support para sa long-term results.

There are no miracle foods to cure premature ejaculation might not be a magic fix – pero para sa mga lalaking gusto munang mag-start sa natural na paraan, malaking tulong ang mga ito. 

Kung mabilis kang labasan at pakiramdam mo wala kang kontrol, alam mong hindi lang performance ang naaapektuhan — pati kumpiyansa mo at relasyon.

Hindi ito basta-bastang “lack of control.” Minsan, may kinalaman ito sa blood flow, hormones, o sensitivity ng nerves—mga bagay na pwedeng ma-improve sa pamamagitan ng tamang pagkain.

Kaya sa article na ’to, pag-uusapan natin ang mga pagkain maaaring sumuporta sa iba mong therapies para palakasin ang sexual control at performance—kasama ng iba pang pampatagal labasan sa kama.

Kontrolin ang Iyong Performance Ngayon!

Ano ang premature ejaculation at anong kinalaman ng diet dito?

Ang premature ejaculation ay mabilis na paglabas ng semilya na nakakaapekto sa kumpiyansa at relasyon.

Ang premature ejaculation (PE) ay nangyayari kapag ang lalaking nakikipagtalik ay nilalabasan agad ng semilya nang mas maaga kaysa sa ninanais.1

Maaaring magbunga ang PE mula sa kombinasyon ng emotional, psychological, pati physical distress, at maaaring mabilis ito mangyari—tulad ng ilang segundo lang pagkatapos simulan ang penetration o kahit bago pa ito mag-umpisa.

Walang kakulangan sa performance mo. Hindi ito simpleng kawalan ng disiplina o self-control; madalas, may pisikal o mental na sanhi ang PE, gaya ng heightened nerve sensitivity, mababang serotonin, at performance anxiety.

Kapag hindi natutugunan, maaaring tuloy-tuloy itong mangyari at makaapekto sa sexual satisfaction, self-esteem, at intimacy. Maraming lalaki ang nakakaranas nito, pero madalas, hindi ito naibabahagi o natutugunan ng maayos.

Ang tamang diet ay nakakatulong sa blood flow, hormones, at nerve control para sa mas matagal na performance.

May direktang epekto ang nutrisyon sa tatlong pangunahing mekanismo na may kinalaman sa ejaculation: ang daloy ng dugo, balanse ng hormones, at regulasyon ng nerve signals.

Kapag maayos ang sirkulasyon, mas tumatagal ang erections. Kapag balanse ang testosterone, mas kontrolado ang arousal. At kapag kalmado ang nerve response, mas napipigilan ang maagang paglabas.

Ang tamang diet ay tumutulong sa katawan na gumana nang mas maayos sa lahat ng aspetong ito—para mas may kontrol sa performance at mag last longer in bed.

Hindi man gamot ang pagkain, may ilang nutrients sa diet na makakatulong mag-improve ng blood flow, hormone balance, at control — kaya may value pa rin ang mga foods to cure premature ejaculation kapag bahagi ng tamang lifestyle.

Mga pagkain na pwedeng sumuporta sa pangmatagalang pakikipagtalik

Ang pagkain ay hindi lang pampabusog—may mga pagkaing maaaring makasuporta sa sexual performance.

Narito ang mga premature ejaculation remedy na makakatulong bilang natural support sa stamina at control:

  • Oysters at Shellfish – Rich in zinc, na sinusuportahan ang reproductive health at tinutulungan ang testosterone production.2
  • Pumpkin Seeds at Almonds – Puno ng magnesium at healthy fats na nagpapakalma sa nerves at nagpapaganda ng sirkulasyon.
  • Spinach at Kale – Filled with nitrates na nagpapalakas ng nitric oxide sa katawan para sa mas maayos na blood flow.
  • Bananas – May potassium na nag-re-regulate ng blood pressure at nerve control.
  • Avocados – May B vitamins at healthy fats na sumusuporta sa hormone health at stress balance.
  • Whole Grains – Complex carbs na nagbibigay ng steady energy at mood stability.
  • Dark Chocolate – May flavonoids na nagpapa-relax ng blood vessels at nakakatulong sa mood.
  • Watermelon – Source ng citrulline na nagpapaluwag ng blood vessels para sa mas magandang performance.

Kahit maraming naghahanap ng foods to cure premature ejaculation, mahalagang tandaan na walang “miracle” solution sa PE na makukuha sa pagkain.

Pero, kapag sinabayan ang mga foods na nakalista rito ng healthy habits at stress management, mas lumalakas ang chance na gumaling ang performance sa natural na paraan.

Mga dapat gawin bukod sa pagbabago ng diet

Hindi sapat ang pagkain lang—mas effective kapag sinasabayan ng tamang lifestyle.

Maraming naghahanap ng “foods to cure premature ejaculation,” pero kahit helpful ang diet, kulang ito pag parati kang puyat, laging stressed, o walang physical activity sa weekly routine.

Ang premature ejaculation ay konektado hindi lang sa nutrisyon, kundi pati sa overall state ng katawan at isip.

  • Nakakatulong ang regular na ehersisyo sa blood flow at testosterone production.
  • Nagpapakalma sa nerves ang deep breathing, meditation, at quality sleep.
  • Pwedeng lumala ang kaba o mas madalas maging overstimulated pag parati kang umiinom ng kape at alag o madalas kumain ng maanghang na foods.

Kapag sabay-sabay mong inaayos ang pagkain, katawan, at isipan, mas may laban ka sa premature ejaculation—at hindi lang umaasa sa isang solusyon lang.

Paano kung hindi na sapat ang diet at lifestyle changes?

Kung hindi pa rin sapat ang disiplina kahit may effort ka na, delay spray ang madalas na next step.

May mga kaso ng premature ejaculation na hindi kayang solusyunan ng diet, ehersisyo, o stress reduction lang. Sa ganitong mga sitwasyon, nakakatulong ang medikal na solusyon tulad ng mga delay spray.

Anong gamot para matagal labasan? Ang delay spray ay isang topical solution na i-na-apply direkta sa ari, mga 10–15 minutes bago ang contact. May mild numbing effect ito na tumutulong bawasan ang overstimulation habang pinapanatili pa rin ang sensation. 

Ginagamit ito ng mga lalaking gustong mas tumagal nang hindi kailangang uminom ng gamot araw-araw. Safe ito para sa karamihan ng lalaki, at kadalasang well-tolerated kung gagamitin ayon sa instructions. 

Hindi ito instant fix, pero para sa mga may PE na hindi mabilisang nareresolba ng lifestyle changes, ito ang madalas na unang hakbang patungo sa mas maayos na ejaculation control.

Gusto ng Mas Matagal na Performance?

Frequently Asked Questions 

How to cure fast ejaculation?

Walang instant na “cure” para sa fast ejaculation o instant premature ejaculation cure, pero maraming paraan para ma-manage ito. 

Maaaring makatulong ang lifestyle changes tulad ng regular na ehersisyo, healthy diet, at stress reduction.

Pwede ring gumamit ng mga medically-approved treatments gaya ng GoLonger Delay Spray na ina-apply bago ang pakikipagtalik para makatulong magtagal.

How to cure early ejaculation?

Ang early ejaculation ay pwedeng ma-manage sa pamamagitan ng kombinasyon ng behavioral techniques at medical support.

Para sa ilan, magandang simula ang lifestyle changes at diet — kaya maraming naghahanap ng foods to cure premature ejaculation.”

Hindi ito direktang lunas, pero ang tamang pagkain ay pwedeng tumulong sa blood flow at nerve control, na mahalaga sa stamina.

Kasabay nito, puwede ring makatulong ang pelvic floor exercises at delay sprays para ma-kontrol ang stimulation.

How to not cum early?

Para hindi agad labasan, importante ang control sa stimulation at anxiety. Makakatulong ang deep breathing, foreplay buildup, at paggamit ng delay spray bago ang intercourse. 

Ito ay ginagamit bilang premature ejaculation treatment –para mag delay ejaculation – na tumutulong pababain ang sensitivity ng ari habang pinapanatili ang sensation, para mas tumagal ka sa kama.

Do foods to cure premature ejaculation really work?

Walang pagkain na direktang cure sa premature ejaculation, pero may mga pagkain na makakatulong sa blood flow at nerve control, tulad ng oysters, almonds, at bananas. 

Kasama na rin dito ang leafy greens at dark chocolate. Habang hindi sila instant solution, makakatulong sila bilang suporta sa pagpapabuti ng performance sa kama.

About GoRocky

Sa GoRocky, gusto naming gawing simple at walang hassle ang pag-aalaga ng kalusugan para sa mga lalaki. Nagbibigay kami ng discreet at abot-kayang treatment para sa erectile dysfunction, hair loss, at weight loss—lahat 100% online, walang pila, walang awkward moments.

Ang goal namin? Mas malusog, mas masaya, at mas kumpiyansang kalalakihan. 

Nagsimula kami sa ED treatments—isang isyu na madalas iwasan pero karaniwan sa marami. Ngayon, pinalawak na namin ang aming serbisyo para mas matulungan ang mga lalaking proactive sa kanilang well-being.

Para sa karagdagang katanungan, maaari mong i-contact ang aming friendly customer support team sa support@gorocky.ph o sa +63 966 952 8623. 

*Ang impormasyong ibinigay sa platform na ito ay para sa mga layuning pang-edukasyon lamang at hindi kapalit ng propesyonal na payo, pagsusuri, o paggamot mula sa mga medikal na eksperto. Palaging kumonsulta sa iyong doktor o ibang kwalipikadong tagapangalaga ng kalusugan para sa anumang katanungan na maaaring mayroon ka tungkol sa isang medikal na kondisyon.

Will you join thousands of happy customers?

[1] Premature ejaculation. Cleveland Clinic. Updated Sep 27, 2023. Accessed May 5, 2025. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15627-premature-ejaculation.
[2] Sahay R. Top 10 foods to boost your journey towards overcoming premature ejaculation. India IVF. Published Jul 4, 2023. Accessed May 5, 2025. https://www.indiaivf.in/blog/top-10-foods-to-treat-premature-ejaculation/.

GoRocky Editorial Standards
At GoRocky, we adhere to strict sourcing guidelines to ensure that the health information we provide is both accurate and up-to-date.

We rely on trusted, peer-reviewed studies, renowned academic research institutions, and respected medical associations.

If you spot a mistake or have feedback, please let us know at support@gorocky.com.
Angelique Tongson, MD
Dr. Angelique Tongson is a licensed general practitioner who passed the October 2024 Physician Licensure Examinations. Currently, she is practicing as a general physician and is committed to delivering patient-centered care.

We are here to help.

Start your consultation with GoRocky today.