Product Name
Option 1 / Option 2 / Option 3
Weekly Delivery
Product Discount (-$0)
COUPON1 (-$0)
$0
-
Thank you! Your submission has been received!
Oops! Something went wrong while submitting the form.
+
Cart is empty
Success message won't be visible to user. Coupon title will be listed below if it's valid.
Invalid code
Coupon1
Coupon2
Subtotal
$0
Order Discount
-$0
COUPON2
-$0
Total
$0
Erectile Dysfunction

Ano Ang Gamot Sa Erectile Dysfunction?

Alamin kung ano ang gamot sa erectile dysfunction, mga sanhi nito, at kung paano ito masosolusyunan nang discreet at may gabay.

Learn more

Key Takeaways

  • Karaniwang sanhi ng erectile dysfunction ang mahinang daloy ng dugo sa ari, hormonal imbalance, o mental stress.
  • May mga epektibong gamot gaya ng Sildenafil at Tadalafil, pero kailangan pa rin ng sexual stimulation para gumana.
  • Hindi mo kailangang dumaan sa hiya o abala. Pwede kang magsimula online, kumonsulta sa doktor, at makatanggap ng gamot nang discreet at ligtas.

Maraming kalalakihan ang nagtatanong kung ano ang gamot sa erectile dysfunction—lalo na kapag hirap nang tumigas o mabilis lumambot ang ari kahit may gana.

Kapag hindi ito naagapan, pwedeng makaapekto sa performance sa kama, tiwala sa sarili, at relasyon sa partner.

Ang good news? May mga ligtas at epektibong gamot na pwedeng subukan, basta may tamang gabay.

Ang article na ito ang sagot sa search mong “erectile dysfunction in Tagalog.” Dito, malalaman mo kung ano talaga ang sanhi ng erectile dysfunction, anong ED medications ang bagay sa’yo, at paano ka makakakilos nang discreet at may kumpiyansa.

ED solutions na ligtas, at doctor-approved. Start today.

Ano ang erectile dysfunction?

Ang ED ay tuwing nahihirapang tumigas o mabilis lumambot ang ari kahit may gana sa sex.

Ang erectile dysfunction ay isang kondisyon ng kalalakihan kung saan nahihirapang tumigas ang ari kahit may libog, o kung tumigas man, mabilis itong lumalambot bago matapos ang pagtatalik.1

Sa maraming kaso, ang ED ay sanhi ng pisikal na problema—kulang ang sapat na daloy ng dugo papunta sa ari kaya nahihirapan itong tumigas o manatiling matigas.

Maaari rin itong dulot ng hormonal imbalance o aberya sa nerve signals na may kinalaman sa sexual response.

Hindi lahat ng “hindi tumatayo” ay ED. Pero kung madalas itong nangyayari at naaapektuhan ang performance, baka oras na para alamin kung ano ang gamot sa erectile dysfunction at kung kailan dapat i-address.

Ano ang mga sanhi ng ED?

Physical na sanhi tulad ng diabetes, high blood, o sakit sa puso.

Ang erectile dysfunction causes ay may kinalaman sa pisikal na kondisyon ng katawan.

Kapag may diabetes, madalas ay nasisira ang maliliit na ugat at nerve endings na responsable sa pagpapadala ng signal at dugo sa ari.

Sa mga may high blood pressure, naninigas o lumiliit ang blood vessels kaya humihina ang daloy ng dugo.

Ganito rin ang epekto ng sakit sa puso—kapag mabagal ang sirkulasyon ng dugo, mahirap makuha ang sapat na erection kahit may sexual desire.2

Mental na sanhi tulad ng stress, depression, o relationship issues.

Bukod sa pisikal na kondisyon, malaki rin ang epekto ng mental at emotional state sa sexual function.

Sa ilang lalaki, ang dahilan kung bakit hindi tumitigas ang ari ay hindi pisikal kundi emosyonal—stress, anxiety, o relational tension.

Ang stress hormones tulad ng cortisol ay pumipigil sa sexual arousal, habang ang depression ay madalas nauugnay sa pagbaba ng libido.

Sa ganitong mga sitwasyon, kahit may effort, hindi palaging sumasabay ang katawan sa isipan.

Lifestyle factors gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, at kakulangan sa tulog.

Ang epekto ng araw-araw na habits ay hindi dapat balewalain. Paninigarilyo ay nagpapaliit ng blood vessels at nagpapababa ng oxygen sa katawan—nakakasira ito ng blood flow papunta sa ari.

Labis na pag-inom ng alak ay pwedeng makasira sa nerve signals at magpababa ng testosterone, na parehong mahalaga sa sexual performance.

Kapag kulang sa tulog, naapektuhan din ang hormone production, energy levels, at sexual drive.

Kahit wala kang chronic illness, ang tuloy-tuloy na unhealthy lifestyle ay sapat na para magdulot ng ED sa kahit anong edad.

Ang pagbabago sa lifestyle ay isa sa mga natural na erectile dysfunction remedies na pwedeng makatulong sa kahit anong edad.

Ano ang gamot sa erectile dysfunction?

Sildenafil

  • Karaniwang iniinom bago makipagtalik.
  • Um-e-epekto sa loob ng 30–60 minutes.
  • Tumatagal ng 4–6 na oras.
  • Bagay sa mga gustong planado ang timing.

Mainam ang sildenafil (Bayagra) para sa mga first-time users ng ED meds o naghahanap ng short-acting na option.

Tadalafil

  • Um-e-epekto sa loob ng 30 minutes.
  • Tumatagal ng hanggang 36 na oras.
  • Mas maraming oras para maging spontaneous.
  • Kilala bilang “weekend pill” dahil sa long-lasting effect.

Maganda ang tadalafil (Cialis) para sa mga ayaw magmadali o mag-alala sa timing.

Tadalafil Strips

  • Dinidikit sa ilalim ng dila at mabilis matunaw.
  • Walang tableta at hindi kailangan ng tubig.
  • Pwedeng dalhin kahit saan, discreet gamitin.
  • Para sa mga mas komportable sa non-tablet format.

Ideal ang tadalafil strips kung gusto mo ng mabilis at hindi halatang pag-inom.

Ang mga erectile dysfunction treatment na ito ay hindi automatic na nagpapagana ng katawan.

Para ito ay mas effective, kailangan pa rin ng sexual arousal — kailangang may foreplay o kiliti bago magsimula ang epekto.

Mas gumagana ito kapag komportable ka, nasa tamang mood, at bukas ang isipan at katawan sa intimacy.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor?

Mas mainam magpatingin kung tuloy-tuloy ang sintomas at may kasamang health risks.

Mainam na kumonsulta agad sa doktor kungKung paulit-ulit mong nararanasan ang sintomas ng ED, mas mabuting kumonsulta sa doktor para malaman kung anong treatment ang ligtas at akma sa kondisyon mo.

Para sa mga lalaking nagtatanong kung ano ang gamot sa erectile dysfunction, mahalagang tandaan na hindi lahat ng gamot ay pare-pareho ang epekto sa bawat tao.

Lalo na kung may kasamang diabetes, high blood, o iba pang iniinom na maintenance meds, mas ligtas at mas epektibo ang gamutan kapag may tamang gabay mula sa isang lisensyadong doktor.

Kailangan mo ng prescription para makakuha ng sildenafil, tadalafil, o tadalafil strips. Kaya kung gusto mo ng medikal na solusyon sa ED mo, kailangan mo talaga kumunsulta sa doktor.

Sildenafil 50mg: Bilis ng epekto, taas ng kumpiyansa. Order now.

Simulang ayusin ang ED sa paraang discreet, safe, at may gabay ng GoRocky

Sa GoRocky, pwede kang magsimula nang hindi umaalis ng bahay. Sagutan mo lang ang online form para ma-assess ng doktor. Kapag approved, ipapadala agad ang gamot sa’yo. Walang pila, walang tanungan, walang hiya.

Ano ang gamot sa erectile dysfunction? May mga solusyon kami na mabilis tumama. May sildenafil na umeepekto sa loob ng 30–60 minutes.

Kung gusto mo naman ng mas flexible timing, meron kaming tadalafil na tumatagal hanggang 36 na oras.

You don’t need to guess. May doktor na titingin sa case mo at may support team na pwedeng kausapin anytime.

Simulan mo na ang gamotan ngayon.

About GoRocky

Sa GoRocky, pinapadali namin ang pag-aalaga sa kalusugan ng kalalakihan—private, abot-kaya, at walang hiya. Kung ikaw ay may problema sa erectile dysfunction, naghahanap ng ligtas na pampatigas ng ari, o gusto lang matuto tungkol sa safe sex at best sex positions, andito kami para tumulong.

Lahat ng gamot at serbisyo namin ay doctor-approved, discreet ang delivery, at 100% online. Dahil sa GoRocky, hindi lang namin tinutugunan ang isyu—tinutulungan ka naming buuin muli ang kumpiyansa mo, sa sarili mong paraan.

Para sa karagdagang katanungan, maaari mong i-contact ang aming friendly customer support team sa support@gorocky.ph o sa +63 966 952 8623.

*Ang impormasyong ibinigay sa platform na ito ay para sa mga layuning pang-edukasyon lamang at hindi kapalit ng propesyonal na payo, pagsusuri, o paggamot mula sa mga medikal na eksperto. Palaging kumonsulta sa iyong doktor o ibang kwalipikadong tagapangalaga ng kalusugan para sa anumang katanungan na maaaring mayroon ka tungkol sa isang medikal na kondisyon.

Will you join thousands of happy customers?

[1] Erectile dysfunction. Cleveland Clinic. Updated August 28, 2023. Accessed May 15, 2025.

[2] Symptoms & causes of erectile dysfunction. National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. Updated October 2024. Accessed May 15, 2025.

GoRocky Editorial Standards
At GoRocky, we adhere to strict sourcing guidelines to ensure that the health information we provide is both accurate and up-to-date.

We rely on trusted, peer-reviewed studies, renowned academic research institutions, and respected medical associations.

If you spot a mistake or have feedback, please let us know at support@gorocky.com.
Angelique Tongson, MD
Dr. Angelique Tongson is a licensed general practitioner who passed the October 2024 Physician Licensure Examinations. Currently, she is practicing as a general physician and is committed to delivering patient-centered care.

We are here to help.

Start your consultation with GoRocky today.