Alamin ang sanhi at lunas sa paglalagas ng buhok gamit ang tamang treatment, vitamins, diet na para sa’yo, at lifestyle changes.
Key Takeaways
Ano ang gamot sa paglalagas ng buhok? Isa itong pangkaraniwang isyu, at maaaring makaapekto ito sa kumpiyansa at emotional state ng maraming tao.
Kapag hindi agad naagapan, maaari itong humantong sa unti-unting pagnipis ng buhok o tuluyang pagkakalbo.
Upang maiwasan ito, mahalagang maunawaan ang mga pangunahing sanhi ng hair loss at ang mga epektibong solusyon, mula sa tamang bitamina at diet hanggang sa clinically proven treatments.
Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang mga sanhi ng hair loss, paano mapanatiling malusog ang buhok gamit ang tamang bitamina at diet, at kung ano ang pinakamabisang paggamot para sa paglalagas ng buhok.
Maraming maaaring dahilan ng paglalagas ng buhok — sanhi at lunas nito ay mahalagang maunawaan.
Ilan sa mga pangunahing dahilan ay hormones, autoimmune conditions, stress, at maling hair care routine.
Isa sa mga pinakakaraniwang sanhi ng hair loss sa kalalakihan ay male pattern baldness (androgenetic alopecia).
Ang kondisyong ito ay dulot ng mataas na antas ng dihydrotestosterone (DHT), isang hormone na nagpapaliit ng hair follicles.
Ito ang dahilan kung bakit nalalagas ang buhok, unti-unting numinipis at humihina ito hanggang sa tuluyang mawala. Karaniwan itong namamana at madalas nagsisimula sa hairline o crown area habang tumatanda. 1
Ang alopecia areata ang isa sa mga sagot sa tanong na "anong sakit ang nalalagas ang buhok."
Ito ay isang autoimmune disorder kung saan inaatake ng immune system ang hair follicles, na nagreresulta sa biglaang pagkawala ng buhok.
Hindi tulad ng male pattern baldness, maaaring mangyari ito kahit sa murang edad at makaapekto sa iba't ibang bahagi ng ulo o katawan.
Sa ilang kaso, maaari rin itong ma-trigger ng matinding stress, genetic predisposition, o iba pang kondisyon sa immune system. 2
Bukod sa genetic at autoimmune causes, ang pang-araw-araw na lifestyle ay may malaking epekto sa kalusugan ng buhok.
Ang matinding stress ay maaaring magdulot ng telogen effluvium, isang kondisyon kung saan mas maraming buhok ang pumapasok sa "resting phase" ng hair cycle, kaya nagreresulta sa biglaang paglalagas.
Mahalaga rin ang tamang nutrisyon sa pagpapanatili ng malusog na buhok. Ang kakulangan sa iron, zinc, at vitamin D ay nagpapahina sa hair strands at nagpapabagal sa pagtubo ng bagong buhok.
Samantala, ang paggamit ng shampoos na may matapang na kemikal tulad ng sulfates ay maaaring magdulot ng damage sa buhok at anit, lalo na kung madalas gamitin.
Ano ang gamot sa paglalagas ng buhok? Upang mapanatili ang lakas at kapal ng buhok, mahalagang isama sa araw-araw na pamumuhay ang tamang bitamina, balanseng pagkain, at maingat na hair care routine.
May ilang mahahalagang bitamina na makakatulong sa pagpapatibay ng buhok. Ang vitamins para sa nalalagas na buhok tulad ng Biotin (Vitamin B7) ay isa sa pinakapopular dahil tumutulong ito sa pagpapatibay ng hair strands at nagpapabilis ng hair growth.
Ang Vitamin D naman ay mahalaga sa pagpapanatili ng aktibong hair follicles upang maiwasan ang pagnipis ng buhok.3
Bukod dito, ang Zinc ay tumutulong sa pag-aayos ng damaged hair tissues at nagpapanatili ng malakas na buhok.
Kapag kulang ang katawan sa mineral na ito, nagiging mas manipis at madaling maputol ang buhok.
Dahil ang buhok ay binubuo ng keratin, isang uri ng protein, mahalagang siguraduhin na sapat ang protein intake upang mapanatili itong malusog.
Ang kakulangan sa protein sa diet ay maaaring magresulta sa pagnipis at pagbagal ng pagtubo ng buhok.
Ang mga pagkaing mayaman sa protein tulad ng itlog, manok, isda, at beans ay nagbibigay ng essential amino acids na tumutulong sa hair growth.
Bukod dito, ang pagkain ng green leafy vegetables at nuts ay nagbibigay din ng mahahalagang nutrients na sumusuporta sa malusog na buhok.
Ang pagpili ng sulfate-free shampoo ay nakakatulong upang mapanatili ang natural na langis ng buhok, na mahalaga para sa pagpigil sa dryness at pagbasag ng strands.
Ang paggamit ng shampoo na may matapang na kemikal ay maaaring magdulot ng long-term damage, kaya't mas mainam ang paggamit ng gentler alternatives. 4
Bukod dito, mainam na gumamit ng maligamgam na tubig sa paghuhugas ng buhok, iwasan ang madalas na paggamit ng heat styling tools tulad ng hair dryer at straightener, at maging maingat sa pagsusuklay upang hindi masira ang hair strands.
May mga treatment na tumutulong bawasan ang hair loss at pasiglahin ang pagtubo ng mas makapal na buhok.
Ang ilan ay nakakatulong pababain ang hormone na responsable sa pagnipis ng buhok, habang ang iba naman ay sinusuportahan ang daloy ng dugo sa anit para mas mapakain ng nutrients ang hair follicles.
Sa consistent na paggamit, may mga nakakaranas ng pagbabawas ng lagas at unti-unting pagbalik ng kapal ng buhok sa loob ng ilang buwan.
Kung mapapansin mong numinipis na ang buhok mo, huwag mo nang palalain pa. May mga paraan para maagapan ito bago tuluyang makalbo.
Sa GoRocky, simple lang: sagutan mo ang quick online assessment, makipag-usap sa lisensyadong doktor, at makakuha ng guided plan na bagay sa kondisyon mo.
Walang clinic visits, walang pressure, just expert care na discreet, suportado, at maayos mula simula hanggang dulo.
Simula ang medical consultation ngayon!
Dito sa GoRocky, todo ang suporta namin para bigyan ang mga lalaki na gustong malaman kung paano kumapal ang buhok ng simple, abot-kaya, at madaling paraan para makahanap ng effective na mga treatments.
Nag-o-offer kami ng epektibong solusyon para sa mga karaniwang issue sa kalusugan ng mga kalalakihan, kasama na ang mga pampatigas ng ari, pagpapapayat, at pampakapal ng buhok.
Sa aming pribadong delivery at expert consultation services, ginagawa naming madali at komportable ang paggamot.
Para sa karagdagang katanungan, maaari mong i-contact ang aming friendly customer support team sa support@gorocky.ph o sa +63 966 952 8623.
*Ang impormasyong ibinigay sa platform na ito ay para sa mga layuning pang-edukasyon lamang at hindi kapalit ng propesyonal na payo, pagsusuri, o paggamot mula sa mga medikal na eksperto. Palaging kumonsulta sa iyong doktor o ibang kwalipikadong tagapangalaga ng kalusugan para sa anumang katanungan na maaaring mayroon ka tungkol sa isang medikal na kondisyon.
[1] Kinter KJ, Amraei R, Anekar AA. Biochemistry, dihydrotestosterone. National Center for Biotechnology Information. Updated July 30, 2023. Accessed January 20, 2025.
[2] Al Aboud AM, Syed HA, Zito PM. Alopecia areata. National Center for Biotechnology Information. Updated February 26, 2024. Accessed January 20, 2025.
[3] Fisher J, Noe M. Vitamins, minerals, and hair loss: Is there a connection? Harvard Health Publishing. Published April 22, 2024.
[4] Tolliver LJ, Golden KE. Should I switch to a sulfate-free shampoo? GoodRx. Published June 24, 2021. Accessed January 20, 2025.