






Alamin gaano kaligtas ang Bravo capsule bilang OTC supplement at pinagkaiba ng mga safer at doctor-guided ED support.

Key Takeaways
Maraming lalaki ang naghahanap ng mabilis na solusyon kapag hirap tumigas ang ari o mag-stay hard sa kama.
Isa sa mga madalas makita online ay ang Bravo Capsule, kaya natural lang tanungin kung safe ba ito at kung may mas maayos bang option depende sa pangangailangan mo.
Pero hindi lahat ng produkto ay pare-pareho pagdating sa safety, transparency, at epekto. Importanteng malaman ang pinagkaiba ng mga OTC supplements tulad ng Bravo at mga doctor-guided capsules na may FDA oversight at transparent ang ingredients at formulation.
Ang Bravo Capsule for men ay isang OTC supplement para sa sexual performance. Hindi ito FDA-approved, kaya walang official testing o safety checks.
Noong 2023, naglabas ng babala ang FDA dahil may ilang batches ng Bravo capsules na may undeclared ingredient, o ingredient na hindi nakalagay sa label.
Dahil dito, hindi makakasigurado sa actual na laman at pwedeng magka-risk ng Bravo capsule effects, lalo na kung may ibang gamot na iniinom.1
Nireresata ang Sildenafil at Tadalafil kapag madalas nahihirapan silang tumigas. Hindi ito pwedeng inumin nang basta-basta, kailangan muna ng assessment para malaman kung safe at anong dosage ang para sa’yo.
Dahil regulated ang formulation at klaro ang ingredients, predictable ang epekto kapag may tamang reseta.
Para ligtas, laging kumonsulta sa iyong doktor bago gamitin ang mga produktong ito.
Kung madalas kang hirap tumigas o magstay hard, may proseso para matulungan kang masolusyonan ang problema–100% fully online.
1. Sagutin ang online assessment.
2. Kung ma-approve ka, pumili ng tamang tulong para sa’yo.
3. Antayin i-deliver ang reseta at treatment.
Discreet at guided ang bawat step para siguraduhing ligtas, tama ang dosage, at hindi ka umiinom ng gamot na hindi angkop sa health profile mo.
Simulan ang assessment ngayon!
Walang malinaw na guidelines sa recommended age ng paggamit ng Bravo capsule, at kahit sa mga Bravo Capsule review, hindi nababanggit ang specific na impormasyon tungkol dito.
Siguraduhing kumonsulta sa doktor bago gamitin ang anumang supplement o gamot.
Walang reliable data na nagpapakita kung gaano katagal ang epekto ng Bravo Capsule dahil hindi ito clinically tested. Hindi rin available ang clinical data tungkol sa Bravo side effects o Bravo capsule benefits.
Laging kumonsulta sa lisensyadong healthcare professional bago gumamit ng anumang gamot o supplement para sa ED.
Ang Bravo supplement ay gawa sa iba’t ibang herbal ingredients at marketed bilang performance support. OTC ito at hindi dumaan sa sapat na FDA evaluation.
Mahalagang mag-ingat dahil limitado ang impormasyon tungkol sa actual testing at consistency ng formulation.
Sa GoRocky, naniniwala kami na dapat bigyang halaga ang kalusugan ng kalalakihan. Nag-aalok kami ng abot-kayang solusyon para sa mga problema tulad ng hair loss, erectile dysfunction, at weight loss—lahat ay discreet at madaling ma-access.
Para sa karagdagang katanungan, maaari mong i-contact ang aming friendly customer support team sa support@gorocky.ph o sa +63 966 952 8623. Nandito kami para tumulong.
*Ang impormasyong ibinigay sa platform na ito ay para sa mga layuning pang-edukasyon lamang at hindi kapalit ng propesyonal na payo, pagsusuri, o paggamot mula sa mga medikal na eksperto. Palaging kumonsulta sa iyong doktor o ibang kwalipikadong tagapangalaga ng kalusugan para sa anumang katanungan na maaaring mayroon ka tungkol sa isang medikal na kondisyon.
[1] FDA Advisory No.2023-1298: Public health warning on the presence of tadalafil in BRAVO Maca + Jatropha + Corynaea Crassa food supplement for men. Food and Drug Administration Philippines. Published June 7, 2023. Accessed Sep 15, 2024.
[2] Smith BP, Babos M. Sildenafil. StatPearls. National Library of Medicine. Updated February 14, 2023. Updated February 14, 2023. Accessed Sep 15, 2024.
[3] Cialis FDA approval history. Drugs.com. Accessed Sep 15, 2024.
[4] Tahvilian R, Golesorkhi MA, Parhoudeh F, et al. The effect of the combination of ginseng, Tribulus terrestris, and L-arginine on the sexual performance of men with erectile dysfunction: a randomized, double-blind, parallel, and placebo-controlled clinical trial. J Pharmacopuncture. 2024;27(2):82-90. doi:10.3831/KPI.2024.27.2.82.
.png)
