Alamin kung gaano ka epektibo ang Trust condom at kung paano ito nagbibigay ng ligtas na proteksyon kapag ginamit nang tama.
Key Takeaways
Maraming lalaki ang naghahanap ng maaasahang condom na hindi lang safe – nagbibigay rin ng confidence sa kama. Baka Trust condom ang nababagay sa kanila. Bukod sa standard options, may Trust Flavored condoms din para sa mas exciting na experience.
Maaaring magdulot ng hindi planadong pagbubuntis o exposure sa sexually transmitted infections (STIs) ang maling pagpili o paggamit ng condom, kaya’t mahalagang malaman kung paano ito gumagana at kung anong condom variant ang babagay sa’yo.
Kung gusto mong mas ligtas ang iyong pagtatalik at mas matagal at mas confident ang performance, basahin mo ito hanggang dulo.
Ang Trust condoms ay dumaan sa mahigpit na quality control upang masigurado ang kaligtasan, kabilang ang electronic pinhole testing upang tiyakin na walang butas o defects. 1
Gawa ito sa matibay na latex upang maiwasan ang breakage o slippage, kaya’t nagbibigay ito ng maaasahang proteksyon laban sa hindi planadong pagbubuntis at STIs.
Dahil FDA-approved at clinically tested, napatunayang 98% epektibo ang Trust condoms bilang contraceptive at barrier protection kapag ginamit nang tama. 2,3 Ang pag-practice ng safe sex ay nakakatulong sa mas protektadong karanasan.
Sikat ang Trust condom dahil ito ay affordable, accessible, at maaasahan para sa iyong proteksyon. May iba’t ibang variants ito para mas protektado at mas magandang sensation sa pagtatalik. 4
Para sa mga naghahanap ng simple at epektibong proteksyon, maaasahan mo ang Trust Natural.
Gawa ito sa natural rubber latex, isang materyal na kilala sa durability at flexibility, kaya’t matibay laban sa breakage habang nagbibigay ng comfortable fit.
Nabibili ang Trust Natural condoms pre-lubricated para mas madali at mas ligtas ang paggamit at upang maiwasang ang discomfort na dulot ng friction.
Ideal ang Trust Natural condoms para sa mga gusto ng basic at reliable na condom na nagbibigay ng proteksyon at convenience.
Kung gusto mo ng condom na manipis at refreshing, subukan ang Trust Ultra Thin Shower Fresh Scent.
Mas manipis ang condom na ito para sa mas natural na pakiramdam, habang ang shower fresh scent nito ay nagbibigay ng clean at invigorating na experience.
Matibay pa rin ang Trust Ultra Thin kahit manipis, at masisigurado mo pa ring hindi magkakaroon ng breakage o leaks pag ginamit nang tama.
May pre-lubrication ito upang mas madaling gamitin at maiwasan ang friction, na nagbibigay ng mas smooth at comfortable na experience.
Gaya ng ipinaparating ng pangalan niya, ang Trust Premiere Dotted condoms ay may raised dots, at dinisenyo upang magbigay ng mas matinding stimulation sa bawat paggalaw.
Para sa mga naghahanap ng variety, available din ang Trust Condom Strawberry at Trust Condom Red na may flavorful twist.
Ang unique texture nila ay nagpapataas ng pleasure at excitement, kaya’t perpekto para sa mga naghahanap ng mas dynamic na sensation.
Dahil may pre-lubrication, mas smooth ang paggamit, na nagbibigay ng mas comfortable at pleasurable na karanasan para sa parehong partners.
Para sa mas sensual at playful na experience, pwede mong i-try ang Trust Imported Chocolate Scent.
May chocolate fragrance ang condom na ito na nagbibigay ng extra excitement para sa mga partners na gusto ng mas masarap at enjoytable na intimacy.
Tulad ng ibang Trust condoms, matibay ang Trust Imported Chocolate Scent at may pre-lubrication para sa mas comfortable at hassle-free na experience.
Alam mo na ngayon kung paano gumagana ang Trust condoms at kung gaano ito kaepektibo para sa proteksyon. Pero tandaan: bahagi lang ito ng mas malawak na pag-aalaga sa sexual health mo.
Sa GoRocky, tutulungan ka naming maging mas informed at confident sa mga choices mo, mula sa safe sex education hanggang sa discreet at expert-backed support.
Ready ka nang alagaan ang sexual health mo nang mas simple at walang hassle?
Kumpletuhin ang iyong online assessment ngayon at magsimula na.
Sa GoRocky, naniniwala kami na ang pag-aalaga sa sarili ay dapat madali, abot-kaya, at walang hassle. Kaya nag-aalok kami ng discreet at epektibong solusyon para sa mga lalaking nais maging mas kumpiyansa at in-control sa kanilang kalusugan.
Kung may tanong o kailangan mo ng gabay, handa ang aming customer support team na tulungan ka. Makipag-ugnayan sa amin sa support@gorocky.ph o tumawag sa +63 966 952 8623 para sa mabilis at maaasahang suporta.
*Ang impormasyong ibinigay sa platform na ito ay para sa layunin ng edukasyon lamang at hindi pamalit sa propesyonal na medikal na payo, pagsusuri, o paggamot. Palaging kumunsulta sa iyong doktor o iba pang kwalipikadong tagapagbigay ng kalusugan para sa anumang katanungan na may kinalaman sa iyong kondisyon.
[1] Condom testing. Global Protection Corp. Accessed March 7, 2025.
[2] Condoms. World Health Organization. Published February 14, 2025. Accessed March 7, 2025.
[3] Porche DJ. Condom effectiveness. J Assoc Nurses AIDS Care. 1998;9(3):91-94. doi: 10.1016/S1055-3290(98)80023-X.
[4] What Are Condoms? Trust Philippines. Published August 2024. Accessed March 7, 2025.