Product Name
Option 1 / Option 2 / Option 3
Weekly Delivery
Product Discount (-$0)
COUPON1 (-$0)
$0
-
Thank you! Your submission has been received!
Oops! Something went wrong while submitting the form.
+
Cart is empty
Success message won't be visible to user. Coupon title will be listed below if it's valid.
Invalid code
Coupon1
Coupon2
Subtotal
$0
Order Discount
-$0
COUPON2
-$0
Total
$0
GoSafe

7 Senyales ng Cervical Cancer na Dapat Mong Malaman

7 senyales ng cervical cancer na dapat bantayan, kasama ang koneksyon sa HPV at kahalagahan ng maagang screening.

Learn more

Key Takeaways

  • Ang mga 7 senyales ng cervical cancer ay kadalasang moderate sa simula pero lumalala kapag hindi agad maagapan.
  • HPV (Human Papillomavirus) ang pangunahing sanhi, kaya mahalaga ang vaccination at regular screening.
  • Maagang pagsusuri at aksyon ang susi para sa mas epektibong paggamot at mas mababang risk.

Napansin mo ba na may kakaibang discharge, pagdurugo, o pananakit na hindi mo dati nararamdaman?

Baka hindi mo alam, pero ilan sa mga ito ay kabilang sa 7 senyales ng cervical cancer, isang sakit na kadalasang nagsisimula nang tahimik, pero pwedeng lumala kapag hindi naagapan.

Karamihan ng cervical cancer cases ay konektado sa HPV. Kung hindi ito matutukan agad, pwedeng makaapekto hindi lang sa reproductive health, kundi sa buong kalidad ng buhay.

Sa gabay na ito, malalaman mo kung anu-anong 7 senyales ng cevical cancer ang hindi dapat balewalain, at kung kailan na dapat kumunsulta sa doktor.

Alamin Kung May Senyales Ka.

Senyales #1 – Abnormal na bleeding kahit wala sa schedule ng period.

Ang pagdurugo pagkatapos makipagtalik (post-coital bleeding) ay isa sa 7 senyales ng cervical cancer na hindi dapat balewalain.

Madalas itong nangyayari dahil sa irritation o sugat sa cervix na dulot ng abnormal cell changes, na kadalasang konektado sa HPV (Human Papillomavirus), ang pinaka-common na sanhi ng cervical cancer.1

  • Mild to heavy spotting: Minsan light lang at makikita sa tissue, pero pwedeng mas maging noticeable sa underwear ng babae.
  • Hindi lang sa sex: Kahit gentle ang contact, maaaring magdugo kung sensitibo ang cervix.
  • Iba pang posibleng dahilan: Hormonal imbalance, infection, o benign growths gaya ng polyps.

Ang HPV infection ay madalas walang sintomas, kaya mahalaga ang regular na screening at proteksyon tulad ng HPV vaccine Philippine Programs para mabawasan ang risk ng cervical cancer.

Kung paulit-ulit ang pagdurugo na wala sa regla, magpatingin agad para sa tamang pagsusuri at maagang aksyon.

Senyales #2 – Vaginal discharge na may kakaibang kulay o amoy na hindi normal sa katawan.

Ang vaginal discharge ay natural, pero kapag bigla itong naging watery, may kakaibang kulay tulad ng yellow o green, o may halong dugo kahit wala sa period, kailangan itong bantayan.

Normal lang ang mild scent, pero kung malakas at hindi nawawala kahit may proper hygiene, pwede na itong senyales ng infection o cervical cancer discharge​.  

Dahil ang cervical cancer ay madalas nauugnay sa HPV (Human Papillomavirus), mahalagang bantayan ang ganitong pagbabago lalo na kung persistent.

Ang healthy discharge ay karaniwang malinaw o maputi, walang malakas na amoy, at naaayon sa menstrual cycle.

Kaya kung may noticeable changes sa kulay, amoy, o dami, magpatingin agad para masuri at maagapan ang posibleng problema.

Senyales #3 – Pananakit puson o lower abdomen na paulit-ulit.

Ang sakit sa puson na hindi nauugnay sa menstruation ay hindi dapat binabalewala. Kung masyado itong madalas, matagal mawala, o bigla na lang nararamdaman kahit wala ka sa period, posibleng isa ito 7 senyales ng cervical cancer.

Hindi ito tulad ng dysmenorrhea na predictable at nawawala pagkatapos ng regla. Kapag ang sakit ay parang may pressure o kabigatan sa lower abdomen, lalo na kung araw-araw mo na siyang nararamdaman, kailangan na itong ipatingin.

Isa ring babala ang pananakit tuwing nakikipagtalik na hindi dulot ng injury o friction. Kung dati naman ay hindi ito masakit, tapos ngayon ay may discomfort o parang may tumutulak sa loob, mas mabuting ipa-evaluate agad.

Ang ganitong klaseng pain ay hindi normal at hindi rin dapat tiisin.

Senyales #4 – Bukol o pamamaga sa cervix na kadalasang nakikita sa check-up.

Ang bukol sa cervix ay karaniwang nadidiskubre lang sa pelvic exam o Pap smear dahil hindi ito nakikita o nahahawakan sa labas. Gayunpaman, pwede itong magdulot ng pressure sa pelvic area, discomfort tuwing nakikipagtalik, o kakaibang discharge.

Hindi lahat ng bukol ay cancerous; maaaring benign ito tulad ng cervical polyps o cysts. Pero dahil pareho ang sintomas sa mas seryosong kondisyon tulad ng cervical cancer, hindi ligtas na mag-assume na harmless ito.

Kung may kasamang pagdurugo, foul-smelling discharge, o persistent pelvic pain, mas mahalagang magpatingin agad.2

Ang maagang check-up ay makakatulong para malinaw kung ano ang sanhi at kung kailangan ng treatment, kasama ang routine screening na isa sa pinakamabisang paraan para malaman ang ganitong kondisyon nang maaga.

Senyales #5 – Pagbabago sa pag-ihi o pagdumi na hindi dati nararanasan.

Kapag napansin mong mas madalas kang umiihi kahit hindi naman madami ang iniinom, o kung may hirap o sakit tuwing dumudumi, maaaring may kaugnayan ito sa pressure na nanggagaling sa cervix o kalapit na organs.

Habang lumalaki ang abnormal cells o bukol, pwede nitong i-compress ang bladder o rectum, kaya nagkakaroon ng mga pagbabago sa normal na bowel at urinary habits.

Hindi ito automatic na cancer, pero kapag persistent o progressive ang mga sintomas, dapat itong ipatingin.

Dahil ang ilang kaso ng cervical cancer na may ganitong epekto ay nauugnay sa HPV (Human Papillomavirus), at mas mainam na magpatingin para makasigurado.

Senyales #6 – Pananakit ng likod o pamamaga ng binti.

Kung nakararanas ka ng lower back pain na hindi nawawala kahit nagpapahinga o nagpapamasahe, o pamamanas sa binti na may kasamang sakit o bigat, posible ito sa 7 senyales ng cervical cancer o mas advanced na sign.

Kapag lumalaki na ang abnormal cells sa cervix, maaari nitong i-compress ang nerves o blood vessels sa paligid ng pelvic at lower spine area. Dahil dito, nagkakaroon ng pressure na umaabot sa likod at paa.

Hindi ito typical na muscle strain o pagod, dahil kadalasan, mas persistent, mas malalim ang sakit, at pwedeng may kasamang paninigas o pagbabago sa paglakad.

Kapag ganitong uri ng pain at pamamaga ang nararamdaman, lalo na kung may iba ka nang sintomas gaya ng discharge o pagdurugo, huwag na itong ipagpaliban at magpatingin agad sa doktor.

Senyales #7 – Pagkapagod at pagbaba ng timbang na walang malinaw na dahilan.

Kung lagi kang pagod kahit sapat ang tulog at pahinga, o napapansin mong pumapayat nang hindi naman nagda-diet o nag-e-ehersisyo, maaaring warning sign ito ng cervical cancer sa mas advanced na stage.

Ang cancer cells ay kumukuha ng energy mula sa katawan, kaya bumababa ang timbang at nawawalan ka ng lakas.

Kasabay nito, ang immune system ay mas nagwo-work nang doble para labanan ang abnormal cells, na lalo pang nagdudulot ng pagkapagod.

Sa ilang kaso, ang ganitong kondisyon ay nagsimula bilang HPV infection na hindi na-detect o na-manage nang maaga, kaya mahalaga ang early screening at proteksyon.

Ang ganitong klaseng unexplained fatigue at weight loss ay hindi normal at kailangan ng medical evaluation para matukoy ang tunay na dahilan.

Simulan ang Maagang Screening Dito!

Aksyunan Mo na ang Mga Senyales Kasama ang GoRocky

Kapag napansin mo ang isa o higit pa sa 7 senyales ng cervical cancer, wag mag-alala, hindi ka nag-iisa.

Sa GoRocky, pwede kang mag-avail ng discreet at hassle-free consult sa pamamagitan ng aming online medical assessment.

Walang mahabang pila sa clinic o awkward na tanungan sa harap ng ibang tao. Dito, direkta kang makakausap ng mga lisensyadong doktor sa paraang private at convenient.

Mula sa initial check-up hanggang sa tamang payo para sa susunod mong hakbang, gagabayan ka namin sa bawat proseso.

Simulan mo na ang iyong consultation ngayon!

Frequently Asked Questions

Ano ang cervical cancer​?

Ang cervical cancer ay isang uri ng cancer na nagsisimula sa cervix, ang bahagi ng matres na konektado sa vagina.

Karaniwan itong nauugnay sa HPV (Human Papillomavirus), isang common na sexually transmitted infection.

Kapag hindi naagapan, ang abnormal na cell growth ay maaaring mauwi sa mas seryosong kondisyon.

Ang pag-alam sa mga sintomas ng cervical cancer at regular na screening ay susi para sa maagang detection at mas epektibong treatment.

How to know if you have cervical cancer​?

Walang tiyak na paraan para malaman agad kung mayroon kang cervical cancer maliban sa pagsusuri ng doktor.

Ang mga test tulad ng Pap smear, HPV testing, at pelvic exams ang pinaka-maaasahan.

Gayunpaman, ang pag-obserba sa katawan mo at pagbabantay sa 7 senyales ng cervical cancer, ay makatutulong para malaman kung kailan dapat magpa-check.

What are the early signs of cervical cancer​?

Ang mga early signs ay kadalasang madaling mapagkamalan sa ibang kondisyon. Kabilang dito ang spotting pagkatapos makipagtalik, watery o may kulay na discharge, at pananakit ng pelvic area.

Sa ilang kaso, ang pagdurugo ay maaaring mapagkamalan sa simpleng dahilan ng gasgas sa cervix, pero maaari rin itong senyales ng mas malalim na kondisyon tulad ng cervical cancer.

About GoRocky

Sa GoRocky, naniniwala kami na mas madali, mas discreet, at mas walang hiya dapat ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga pinoy, at pati na rin ng mga mahal nila sa buhay.

Kaya bukod sa mga solusyon para sa erectile dysfunction, hair loss, at weight loss,may guides din kami tumutulong na maging aware sa mga seryosong health issues gaya ng 7 senyales ng cervical cancer.

Mula online medical assessment hanggang expert advice, ginagawa naming accessible ang tamang care—walang pila, walang awkward na usapan.

Kung may mga tanong ka tungkol sa mga paggamot, sexual wellness, o kalusugan ng kalalakihan, nandito ang aming customer support team para tumulong. Maaari kang makipag-ugnayan sa amin anumang oras sa support@gorocky.ph o tumawag sa +63 966 952 8623.

*Ang impormasyong ibinigay sa platform na ito ay para sa mga layuning pang-edukasyon lamang at hindi kapalit ng propesyonal na payo, pagsusuri, o paggamot mula sa mga medikal na eksperto. Palaging kumonsulta sa iyong doktor o ibang kwalipikadong tagapangalaga ng kalusugan para sa anumang katanungan na maaaring mayroon ka tungkol sa isang medikal na kondisyon.

Will you join thousands of happy customers?

[1] Cervical cancer. Cleveland Clinic. Updated August 8, 2024. Accessed August 5, 2025.

[2] Cervical cancer symptoms. National Cancer Institute. Updated October 13, 2022. Accessed August 5, 2025.

GoRocky Editorial Standards
At GoRocky, we adhere to strict sourcing guidelines to ensure that the health information we provide is both accurate and up-to-date.

We rely on trusted, peer-reviewed studies, renowned academic research institutions, and respected medical associations.

If you spot a mistake or have feedback, please let us know at support@gorocky.com.

We are here to help.

Start your consultation with GoRocky today.