Alamin ano ang HPV: Paano ito kumakalat, mga posibleng sintomas nito, at mga maaaring gawin para protektahan ang sarili.
Key Takeaways
Ano ang HPV? Maraming Pilipino ang hindi alam na posibleng mayroon na silang HPV dahil kadalasan walang sintomas.
Kapag binalewala, puwede itong mauwi sa genital warts o mas seryosong kondisyon gaya ng cancer.
Kaya mahalagang maintindihan ang HPV at malaman ang mga paraan para maprotektahan ang sarili bago pa ito magdulot ng komplikasyon.
HPV o Human Papillomavirus ay isang common virus na nakakaapekto sa tao. May higit 100 types ng HPV at karamihan dito ay harmless lang at kusa ring nawawala nang hindi napapansin.
Madalas, walang sintomas ang HPV infection kaya maraming tao ang hindi alam na carrier sila. Pero hindi lahat ng uri ay ganito.
May iba’t ibang HPV types. May low-risk types na maaaring magdulot ng genital warts, at high-risk types na mas delikado dahil related sila sa ilang klase ng cancer gaya ng throat at cervical cancer.1
Ano ang HPV? Ang HPV ay karaniwang naipapasa sa sexual contact, kabilang ang vaginal, anal, at oral sex.2 Hindi lang ito limitado sa penetrative sex, kahit simpleng skin-to-skin contact sa infected area ay pwedeng maging dahilan ng transmission.
Isa itong dahilan kung bakit sobrang common ang HPV at halos lahat ng sexually active adults ay posibleng ma-expose dito. Ang challenging part, maraming tao ang walang sintomas kaya hindi nila alam na infected sila.
Dahil posible ang asymptomatic transmission, pwedeng maipasa ang virus nang hindi sinasadya.
Kaya mahalagang maintindihan ang HPV causes at kahit mukhang walang nararamdaman, posible pa ring mag-carry at makapagpasa ng kondisyon na ito.
Karamihan ng human papillomavirus infections ay walang obvious na sintomas, kaya mahirap malaman kung infected ka. Pero kapag lumabas ang HPV symptoms o signs, ito ang mga posibleng makita o maranasan:
May mga paraan para makabawas sa risk ng HPV at maiwasan ang komplikasyon nito:
Kung may napapansin kang sintomas o kahit gusto mo lang makasiguro, ang pinaka-importante mong gawin ay magpa-check bago mag-isip ng treatment.
Hindi sapat ang hula o self-diagnosis, lalo na’t iba-iba ang uri ng HPV at hindi lahat ay may parehong epekto.
Ano ang HPV? Mas madali kung magsimula ka sa online medical assessment para makakuha ka ng tamang sagot at gabay sa paraang simple at private:
Simulan mo na ang online assessment ngayon.
Ang HPV vaccine ay bakuna na nagpoprotekta laban sa mga uri ng HPV na pwedeng magdulot ng genital warts at ilang cancer.
Pinapalakas nito ang immune system para labanan ang virus bago pa ito magdulot ng infections.
Walang direktang gamot na nakakaalis ng HPV mismo.
Kadalasan, kusa itong nawawala dahil sa immune system, pero may mga treatment para sa sintomas tulad ng genital warts o abnormal cells na dulot ng virus.
Sa GoRocky, naniniwala kami na mas madali, mas discreet, at mas walang hiya dapat ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga pinoy, at pati na rin ng mga mahal nila sa buhay.
Kaya bukod sa mga solusyon para sa erectile dysfunction, hair loss, at weight loss, may article guides din kami tumutulong na maging aware sa mga seryosong health issues gaya ng “Ano ang HPV?”
Mula online medical assessment hanggang expert advice, ginagawa naming accessible ang tamang car.
Kung may tanong ka tungkol sa men’s health o treatments, available ang support team namin sa support@gorocky.ph o sa +63 966 952 8623 anumang oras.
*Ang impormasyong ibinigay sa platform na ito ay para sa mga layuning pang-edukasyon lamang at hindi kapalit ng propesyonal na payo, pagsusuri, o paggamot mula sa mga medikal na eksperto. Palaging kumonsulta sa iyong doktor o ibang kwalipikadong tagapangalaga ng kalusugan para sa anumang katanungan na maaaring mayroon ka tungkol sa isang medikal na kondisyon.
[1] Luria L, Cardoza-Favarato G. Human papillomavirus. StatPearls. National Library of Medicine. Updated January 16, 2023. Accessed September 29, 2025.
[2] About genital HPV infection. Centers for Disease Control and Prevention. Published January 31, 2025. Accessed September 29, 2025.