Alamin ang mga uri ng sakit sa anit na maaaring magdulot ng hair loss, ang sanhi nito, at ang mga solusyon upang maiwasan ang pagkalbo.
Key Takeaways
Ang anit mo ba ay makati, namumula, o may balakubak na hindi nawawala? Maaaring naapektuhan ka ng isa sa mga uri ng sakit sa anit, tulad ng seborrheic dermatitis o impeksyon ay maaaring maging sanhi nito.
Kapag napabayaan, maaari itong magdulot ng pamamaga, pagkakapeklat, at permanenteng hair loss.
Maraming sakit sa anit ang maaaring kontrolin sa pamamagitan ng tamang pangangalaga at gamot. Makakatulong rin ang mga ito sa pagpapanatili ng healthy na anit at buhok.
Huwag hayaang lumala ang kondisyon mula sa iba’t ibang mga uri ng sakit sa anit. Alamin kung ano ang alopecia at ang mga sanhi ng problema sa anit mo, at tuklasin ang tamang solusyon bago pa ito magdulot ng hindi na maibabalik na pinsala sa iyong buhok.
Ang telogen effluvium ay isang kondisyon kung saan mas maraming buhok ang biglaang pumapasok sa shedding phase ng hair growth cycle.1
Madalas temporary hair loss condition lang ang telogen effluvium na maaaring humupa kapag naibalik ang hormonal balance at natugunan ang sanhi nito.
Dahil hindi nasisira ang hair follicles, maaaring bumalik ang normal na pagtubo ng buhok gamit ang mga hair loss solutions tulad ng Minoxidil, isang gamot sa poknat sa ulo na nagpapabilis ng hair regrowth sa pamamagitan ng pagpapahaba ng anagen phase o growth phase ng buhok.
Sa tulong ng stress management at tamang paggamot, maaaring malunas ang telogen effluvium sa loob ng ilang buwan hanggang isang taon, kaya’t ito ay isang kondisyon na maaaring maagapan at malunasan nang epektibo.
Ang androgenetic alopecia, o male pattern baldness, ay isang kondisyon kung saan unti-unting numinipis ang buhok dahil sa genetic predisposition at epekto ng Dihydrotestosterone (DHT) sa hair follicles.
Dahil sa DHT, lumiliit ang hair follicles, nagiging mas manipis ang buhok, at sa paglipas ng panahon, ito ay nagiging isang dahilan ng pagkakaroon ng poknat sa ulo kapag tuluyang tumigil ang pagtubo nito.
Sa mga kalalakihan, nagsisimula ito sa pag-atras ng hairline at pagnipis sa crown area.2 Ang maagang paggamit ng hair loss solutions gaya ng Minoxidil at Finasteride (Atepros) ay nakakatulong sa pagpigil ng pagnipis ng buhok.
Gamit ang mga hair loss solutions na ito, lumalaki rin ang tsansa na magiging mas makapal ang bagong pagtubo ng buhok.
Isa sa mga unique na mga uri ng sakit sa anit ang traction alopecia. Madalas na naaapektuhan ng sakit na ito ay mga lalaking regular na nagsusuot ng mahigpit na hairstyles tulad ng man buns, dreadlocks, cornrows, o ponytails.3
Habang tumatagal ang paghila sa buhok, lumalala ang tension sa hair follicles at maaaring magdulot ito ng pagnipis at permanenteng pagkalbo sa noo, gilid at likod ng anit.
Dahil hindi ito dulot ng genetics o autoimmune disorder, maaaring maagapan ang traction alopecia sa pamamagitan ng pagtigil sa pagsuot ng hair-damaging hairstyles bago pa tuluyang masira ang follicles.
Kung lumala na ang kondisyon, mahalagang kumilos agad upang maiwasan ang irreparable hair loss at malaman anong gamot sa poknat sa ulo ang epektibo para sa muling pagtubo ng buhok.
Ang dalawa sa pinakamabisang gamot para malunas ang mga nabanggit na mga uri ng sakit sa anit ay ang Minoxidil at Finasteride Atepros, na parehong may scientific basis sa pagpigil ng pagnipis ng buhok at pagtulong sa regrowth.4,5
Ang Minoxidil ay isang topical solution na nagpapalakas ng blood circulation sa anit, nagbibigay ng mas maraming nutrients sa hair follicles, at humahaba ang hair growth phase.
Ang Finasteride, isang gamot sa alopecia, ay isang oral medication na pumipigil sa conversion ng testosterone sa DHT—ang hormone na nagdudulot ng follicle shrinkage sa androgenetic alopecia.
Sa patuloy na paggamit, maaaring mapansin ang mas makapal at mas malusog na buhok sa loob ng ilang buwan. Pero kailangan tuloy-tuloy ang paggamit sa dalawang gamot na ito upang mapanatili ang resulta.
Ang biglaang paghinto ay maaaring magdulot ng muling pagnipis ng buhok. Kaya't mahalagang sumunod sa tamang regimen, lalo na kung ito ay inirekomenda ng doktor bilang pangmatagalang solusyon.
Nakakabahala ang hair loss, pero hindi mo kailangang mahirapan sa paghahanap ng solusyon. GoRocky ang bahala sa’yo—walang queue, at walang abala.
Tapusin lamang ang aming mabilis na online assessment. Pagkatapos, kakausapin ka ng lisensyadong doktor na magbibigay sa inyo ng tamang rekomendasyon para sa inyong kondisyon.
Hindi mo kailangang maghintay hanggang lumala ang problema. Sagutan ang online assessment ngayon at simulan ang tamang paggamot para sa’yo.
Ang pinakakaraniwang type ng alopecia ay ang androgenetic alopecia, na mas kilala bilang male pattern baldness in men and female pattern hair loss in women.
Primary cause ng androgenetic alopecia ay genetics at ang hormone na Dihydrotestosterone (DHT), na tumutulong sa pag-shrink ng hair follicles.
Ang resulta ay mas numinipis ang buhok sa temples at crowns ng mga lalaki, habang overall hair thinning naman para sa babae.
Depende sa type ng hair loss ang leading cause ng alopecia. Madalas genetics at hormonal imbalance ang biggest factors sa pag-develop ng androgenetic alopecia.
Samantala, sa alopecia areata, ang madalas na dahilan ay ang autoimmune disorders, kung saan inaatake ng immune system ang hair follices.
Ibang mga leading causes ng alopecia ay stress, poor nutrition, at infections at scalp conditions.
Importanteng alamin ang tunay na dahilan sa likod ng hair loss mo para makapili ng tamang treatment.
Sa pamamagitan ng tamang scalp care at healthy lifestyle, maaaring bagalan ang paglagas ng buhok.
Makakatulong ang isang balanseng diet na rich in biotin, zinc, at iron. Nakakatulong din ang stress reduction at paggamit ng gentle hair care products.
Pero kulang ang mga ito, mas lalo na pag genetic ang cause ng hair loss. Kailangan ng suporta mula sa FDA-approved prescription medications tulad ng Minoxidil at Finasteride (Finarid), na napatunayang nakakatulong laban sa hair thinning.
If hair loss persists, kailangang kumonsulta muli sa doktor para malaman ang sunod na gagawin at para makakuha ng tamang poknat sa ulo gamot.
Sa GoRocky, naniniwala kami na hindi dapat ikahiya o ipagpaliban ang kalusugan ng mga lalaki. Kung kailangan ng solusyon sa hair loss, ED, o weight loss, nandito ang GoRocky para tulungan kang ibalik ang iyong kumpiyansa nang walang hassle at walang awkward na usapan.
Para sa karagdagang katanungan, maaari mong i-contact ang aming friendly customer support team sa support@gorocky.ph o sa +63 966 952 8623. Lagi kaming handang tumulong upang masigurong makukuha mo ang tamang solusyon para sa'yo.
*Ang impormasyong ibinigay sa platform na ito ay para sa mga layuning pang-edukasyon lamang at hindi kapalit ng propesyonal na payo, pagsusuri, o paggamot mula sa mga medikal na eksperto. Palaging kumonsulta sa iyong doktor o ibang kwalipikadong tagapangalaga ng kalusugan para sa anumang katanungan na maaaring mayroon ka tungkol sa isang medikal na kondisyon.
[1] Hughes EC, Syed HA, Saleh D. Telogen Effluvium. StatPearls. National Library of Medicine. Updated May 1, 2024. Accessed February 18, 2025.
[2] Syed HA, Kaliyadan F. Traction Alopecia. StatPearls. National Library of Medicine. Updated May 4, 2025. Accessed February 18, 2025.
[3] Androgenetic alopecia. MedlinePlus. Updated July 27, 2023. Accessed February 18, 2025.
[4] Suchonwanit P, Thammarucha S, Leerunyakul K. Minoxidil and its use in hair disorders: a review. Drug Des Devel Ther. 2019;13:2777-2786. doi: 10.2147/DDDT.S214907.
[5] McClellan KJ, Markham A. Finasteride: a review of its use in male pattern hair loss. Drugs. 1999:57(1):111-126. doi: 10.2165/00003495-199957010-00014.