Product Name
Option 1 / Option 2 / Option 3
Weekly Delivery
Product Discount (-$0)
COUPON1 (-$0)
$0
-
Thank you! Your submission has been received!
Oops! Something went wrong while submitting the form.
+
Cart is empty
Success message won't be visible to user. Coupon title will be listed below if it's valid.
Invalid code
Coupon1
Coupon2
Subtotal
$0
Order Discount
-$0
COUPON2
-$0
Total
$0
Premature Ejaculation

5 Tips Para Matagal Labasan

Tips para matagal labasan sa kama at mas sumaya ang sex life niyo ni partner. Sa gabay ng GoRocky, kaya mong ayusin ang sexual stamina at ko

Couple on a couch giggling as they enjoy talking about tips para matagal labasan.

Key Takeaways

  • Kung gusto mong mas matagal labasan, sanayin ang sarili sa control techniques, ayusin ang lifestyle, at maging open sa partner para mas madali mong makontrol ang timing mo.
  • Ang premature ejaculation ay normal at may physical at emotional na dahilan. Kapag naiintindihan mo kung saan nanggagaling, mas madali mo itong ma-aksyunan nang may confidence.
  • Kung hindi sapat ang mga tips para matagal labasan, kumonsulta sa doktor para sa safe at personalized na gabay. Makakatulong ito para makahanap ng solusyon na akma sa’yo.

Normal lang na mabilis matapos minsan lalo na kung pagod ka, stressed, distracted, o sobrang excited sa moment kaya marami talagang naghahanap ng mga tips para matagal labasan. 

May mga araw talagang ganun at di ibig sabihin agad na problema ito. Pero kung paulit-ulit na nangyayari at nagiging source na ng stress or issue sa sex life, posible nang premature ejaculation (PE) lalo na kung nagche-check siya ng mga ito:

  • Consistent na mabilis ang ejaculation sa halos lahat ng encounters
  • Mas maaga kaysa sa gusto mo, kahit sinusubukan mong i-control
  • Mabilis bago mag-ejaculate—madalas within ~1 minute of penetration
  • May distress/frustration or affected ang confidence at relationship
  • Tuloy-tuloy siya for weeks to months, hindi one-time or situational lang

Kung may issue ka sa mabilis na ejaculation, may mga practical at medically accepted tips para matagal labasan na pwedeng makatulong at mas ma-manage ito.

Better sex starts here!

5 Tips Para Matagal Labasan

Tip #1: Mag-slow down at mag-pause

Kapag ramdam mong papalapit ka na, huminto muna sandali. Kahit 10–30 seconds lang para bumaba yung sobrang taas na excitement at mas makabalik ka sa kontrol at hindi mabilis labasan.

Pwede mong bagalan muna ang galaw mo o huminga ka ng dahan-dahan lang.

Ulitin mo lang ‘to ilang beses habang nagse-sex. Habang nasasanay ka, mas nagiging madali mong mapapansin yung “warning signs” ng katawan mo bago ka mapatapos.

Tip #2: Iwasan ang sobrang pagod at stress

Kapag puyat, stressed, o mentally drained ka, mas mabilis mag-react ang katawan kaya mas hirap mag-control. 

Kaya kung maaari, piliin ang timing na mas may energy ka at mag-unwind muna kahit ilang minuto bago magsimula para bumaba ang tension at mas bumalik ang kontrol.

Tip #3: I-improve mo ang health and lifestyle mo

Malaki ang epekto ng lifestyle changes sa sexual control at stamina. Subukan ang mga simpleng habit na ito:

  • Iwasan ang labis na pag-inom ng alak at paninigarilyo para manatiling maayos ang circulatory health at overall performance.
  • Mag-practice ng relaxation routines tulad ng deep breathing at meditation para mapababa ang stress at anxiety na maaaring magpabilis ng climax.
  • Mag-ehersisyo nang regular at matulog nang sapat para mapanatiling normal ang hormones at mataas ang energy levels.
  • Gawin ang Kegel exercises para palakasin ang pelvic floor muscles, isa sa mga susi sa mas maayos na control.

Bilang bahagi ng mga tips para matagal labasan, ang pagsama ng mga habit na ito sa araw-araw na routine ay nakakatulong sa mas natural na control at kumpiyansa sa kama.

Tip #4: Mag-try ng Ibang Sex Positions

May mga positions na mas mabilis mag-trigger ng ejaculation dahil mas intense ang stimulation. 

Kung napapansin mong bibilis ka sa certain angles o movements, subukan yung mas relaxed at mas mabagal ang ritmo. 

Ang goal ay bawasan yung sobrang stimulation para mas makontrol mo ang pacing at mas tumagal bago labasan. Tingnan ang isa pa naming guide para sa top sex positions for ultimate pleasure.

Tip #5 Maging open sa partner mo

Malaking tulong ang open communication para mabawasan ang pressure sa sex. 

Kapag malinaw sa inyong dalawa ang expectations at walang hiya sa pag-uusap, mas nagiging relaxed ang experience. 

Mas madali kang mag-focus sa intimacy kaysa sa performance, at mas tumataas ang confidence kapag alam mong may partner kang handang umintindi at sumuporta.

Start Your GoRocky assessment!

Enjoy a better sex life with GoRocky

Sa ilang lalaki, ang premature ejaculation (PE) minsan may kasabay ding hirap tumigas o hirap mag-maintain ng erection, lalo na kung matagal na itong nangyayari. 

Kung napapansin mong nahihirapan kang mag-control at minsan ay may kasabay ding issue sa pagtigas, pwede kang mag-take ng online assessment ng GoRocky para makahanap ng pampatigas ng ari o iba pang solutions na posibleng makatulong, base sa medical evaluation.

Take our online assessment now for better support with your sex life!

Frequently Asked Questions 

Anong gamot para matagal labasan?

Walang iisang “gamot” na automatic makakasagot sa paano matagal labasan para sa lahat, dahil iba-iba ang dahilan ng premature ejaculation (PE). 

Pero may medical options na pwedeng makatulong, tulad ng topical (pangbawas sensitivity) at oral meds (doctor-guided), pwede rin silang pampagana sa pagtatalik. Pinaka-safe pa rin na magpa-assess muna para tama ang iyong solution at iwas self-medication.

Paano tumagal sa kama ng walang pressure?

Para makahanap ng pang patagal labasan o gamot para matagal labasan nang walang dagdag na pressure, mahalaga ang open communication sa partner para mabawasan ang anxiety. 

Kasabay nito, sundin ang mga tips para matagal labasan tulad ng tamang breathing techniques at mas komportableng positions para mas maayos ang control at kumpiyansa sa kama.

Paano labasan ng matagal?

Magsimula sa mga tips para matagal labasan tulad ng pagbagal at pag-pause kapag ramdam mong papalapit ka na. 

Malaking tulong din ang stress management, regular na ehersisyo, at tamang lifestyle habits. Kapag kailangan, mas nagiging epektibo ito kapag may tamang medikal na gabay.

About GoRocky

Sa GoRocky, ang mission namin ay gawing discreet, at accessible ang men’s health habang binabago ang pananaw kung paano dapat alagaan ng mga lalaki ang sarili nila. 

Kung naghahanap ka ng praktikal na payo tulad ng tips para matagal labasan, nandito ang GoRocky para magbigay ng simple at stigma-free na solusyon para sa’yo.

Kung may mga tanong ka tungkol sa mga paggamot, sexual wellness, o kalusugan ng kalalakihan, nandito ang aming customer support team para tumulong. 

Maaari kang makipag-ugnayan sa amin anumang oras sa support@gorocky.ph o tumawag sa +63 966 952 8623.

*Ang impormasyong ibinigay sa platform na ito ay para sa mga layuning pang-edukasyon lamang at hindi kapalit ng propesyonal na payo, pagsusuri, o paggamot mula sa mga medikal na eksperto. Palaging kumonsulta sa iyong doktor o ibang kwalipikadong tagapangalaga ng kalusugan para sa anumang katanungan na maaaring mayroon ka tungkol sa isang medikal na kondisyon.

Rona Clarisse Canlas, MD.
Dr. Rona Canlas is a dedicated general practitioner who graduated from the University of the Philippines - Manila, College of Medicine.
GoRocky Editorial Standards
At GoRocky, we adhere to strict sourcing guidelines to ensure that the health information we provide is both accurate and up-to-date.

We rely on trusted, peer-reviewed studies, renowned academic research institutions, and respected medical associations.

If you spot a mistake or have feedback, please let us know at support@gorocky.com.

We are here to help.

Start your consultation with GoRocky today.