Product Name
Option 1 / Option 2 / Option 3
Weekly Delivery
Product Discount (-$0)
COUPON1 (-$0)
$0
-
Thank you! Your submission has been received!
Oops! Something went wrong while submitting the form.
+
Cart is empty
Success message won't be visible to user. Coupon title will be listed below if it's valid.
Invalid code
Coupon1
Coupon2
Subtotal
$0
Order Discount
-$0
COUPON2
-$0
Total
$0

Top 5 Sintomas ng Diabetes

Alamin ang top 5 sintomas ng diabetes, mga senyales na dapat bantayan, at kung paano ito maaagapan para maiwasan ang malalang komplikasyon.

Learn more

Key Takeaways

  • Ang diabetes ay maaaring magdulot ng madalas na pag-ihi, labis na uhaw, panghihina, biglaang pagbaba ng timbang, at sugat na matagal gumaling.
  • Nakakasira sa katawan ang mataas na blood sugar, kaya mahalagang tukuyin agad ang mga sintomas at kumonsulta sa doktor kung kailangan.
  • Ang tamang pangangalaga tulad ng balanced diet, tamang gamot, at regular na blood sugar monitoring ay nakakatulong sa pag-iwas sa komplikasyon.

Madaling hindi pansinin ang mga sintomas ng diabetes hanggang sa makaapekto ito sa iyong kalusugan at everyday life.

Mahalaga ang tamang pangangalaga at maagang pagtukoy ng sintomas upang maiwasan ang mga mas malalang sintomas ng diabetes.

Sa tulong ng tamang blood sugar management, maaari mong mapanatili ang iyong lakas at kalusugan. Wag balewalain ang mga senyales na isinisigaw ng katawan mo.

Alamin ang limang pangunahing sintomas ng diabetes at kung kailan dapat kumonsulta sa doktor upang maagapan ang kondisyon bago ito makaapekto sa’yo.

Kumpletong diabetes care. Simulan ngayon!

Ano ang Diabetes?

Ang diabetes ay isang chronic na kondisyon kung saan hindi nakokontrol ng katawan ang blood sugar dahil sa kakulangan o hindi maayos na paggana ng insulin.1

Dahil dito, tumataas ang blood sugar levels ng katawan, at nagdudulot ng madalas na pag-ihi, labis na pagkauhaw, panghihina, at mabagal na paggaling ng sugat.

May dalawang uri ng diabetes:

  • Type 1 Diabetes – Isang autoimmune condition kung saan sinisira ng immune system ang beta cells sa pancreas, na kailangan para sa paggawa ng insulin.
  • Type 2 Diabetes – Hindi sapat o hindi nagagamit ng tama ang insulin, kadalasang dulot ng labis na timbang at kawalan ng ehersisyo.

Kung hindi maagapan, maaaring humantong ito sa heart disease, kidney failure, at nerve damage, kaya mahalagang bantayan ang blood sugar at kumonsulta kung napansing may sintomas ng diabetes.

Ano ang sintomas ng diabetes?

Symptom #1: Madalas na pag-ihi

Kapag mataas ang blood sugar, mas madalas ang pag-ihi at maaring mauwi sa dehydration.

Ang madalas na pag-ihi ay isang pangunahing sintomas ng diabetes.2

Kapag mataas ang blood sugar, sinusubukang ilabas ito ng katawan sa pamamagitan ng ihi, kaya nagiging mas madalas at mas marami ang pag-ihi, lalo na sa gabi (nocturia).

Dahil dito, napapagod ang kidneys at na-o-overwork, kaya maaaring maranasan ang dehydration at panghihina.

Pag mas maraming glucose sa dugo, hinihigop nito ang tubig mula sa cells, kaya bumababa ang fluid levels ng katawan.

Symptom #2: Labis na pagkauhaw o dry mouth

Kapag mataas ang blood sugar, maaaring matuyo ang bibig at magdulot ng discomfort.

Ang dry mouth ay isang karaniwang sintomas ng diabetes o mataas na blood sugar.3

Kapag kulang ang produksyon ng laway, nagiging tuyo at malagkit ang bibig, kaya maaaring mahirapan magsalita, lumunok at kumain.

Dahil kulang ang laway, maaring maging mabaho ang hininga at magkaroon ng iritasyon sa bibig. Kung hindi ito maagapan, posibleng lumala ang discomfort.

Nakakatulong ang pag-inom ng sapat na tubig upang hindi mawala ang moisture sa bibig.

Ngunit kung patuloy ang pagtutuyo kahit sapat ang hydration, maaaring senyales ito na hindi mo kontrolado ang blood sugar mo.

Symptom #3: Biglaang pagbaba ng timbang

Kapag hindi nagagamit ng katawan ang asukal bilang enerhiya, bumababa ang timbang nang hindi inaasahan.

Ang insulin ang nagpapasok ng glucose sa cells para maging enerhiya. Kapag hindi ito gumagana nang maayos, hindi nagagamit ng katawan ang glucose, kaya napipilitan ang katawan gumamit ng fat at muscles bilang alternatibo.

Dahil dito, maaaring maranasan ang mabilis na pagbaba ng timbang kahit walang pagbabago sa pagkain o activity level.4

Kung malaki ang pagbaba ng timbang sa loob ng ilang buwan nang walang malinaw na dahilan, maaaring sintomas ito ng diabetes. Kung magpapatuloy ito, maaaring humantong sa malnutrisyon at panghihina.

Symptom #4: Pagod o panghihina

Kapag hindi nagagamit ng katawan ang glucose, mabilis mapagod at magiging matamlay.

Sa diabetes, hindi nakakapasok ang glucose sa cells, kaya hindi ito nagagamit bilang enerhiya.5

Dahil dito, kahit sapat ang pagkain at pahinga, maaaring maranasan ang matinding panghihina, mabilis na pagkapagod, at kawalan ng sigla.

Bukod sa physical na panghihina, maaaring maranasan ang brain fog o hirap sa pag-concentrate, dahil pati utak ay hindi nakakakuha ng sapat na glucose.

Kung patuloy ang panghihina kahit may sapat na nutrisyon, maaaring ito ay sintomas ng type 2 diabetes o type 1. Magpakonsulta sa doktor para malinawan.

Symptom #5: Sugat na mabagal gumaling

Kapag mataas ang blood sugar, nasisira ang blood vessels at nerves, kaya bumabagal ang paggaling ng sugat at tumataas ang panganib ng impeksyon.

Kapag mataas ang blood sugar, nasisira ang capillaries na nagdadala ng oxygen at nutrients sa katawan, kaya bumabagal ang paggaling ng sugat. Dahil dito, mas mataas ang tsansa ng impeksyon at malalang komplikasyon.

Dahil sa diabetic neuropathy, maaaring manhid ang paa kaya hindi agad namamalayan ang sugat, isang dahilan kung bakit maaaring lumala at magdulot ng impeksyon.

Ang sintomas ng diabetes sa paa tulad ng pamamanhid o sugat na hindi gumagaling ay maaaring mauwi sa malalang komplikasyon kung hindi agad matutugunan.6

Upang mapabilis ang paggaling ng sugat sa paa at maiwasan ang komplikasyon:

  • Linisin agad gamit ang tubig at antiseptic.
  • Takpan nang maayos upang maiwasan ang impeksyon.
  • Gamitin ang tamang gamot ayon sa payo ng doktor.
  • Panatilihing kontrolado ang blood sugar upang mapabilis ang paggaling.
  • Suriin ang paa araw-araw upang matukoy agad ang sugat.

Kung hindi gumagaling ang sugat sa loob ng dalawang linggo o may pamumula, pamamaga, o nana, kumonsulta agad sa doktor upang maiwasan ang diabetic foot ulcers at iba pang komplikasyon.

Iba pang karaniwang sintomas ng diabetes

Bukod sa pangunahing sintomas, may iba pang senyales ng diabetes na madalas hindi agad napapansin.

Nakakaapekto rin ito sa balat, nerves, paningin, at sexual health, kaya mahalagang bantayan ang mga sumusunod:

Balat

Nagpapataas ng panganib ng bacterial at fungal infections gaya ng rashes, boils, at mabagal gumaling na sugat.

Ang sintomas ng diabetes sa balat ay maaaring magdulot ng matinding pangangati at pagkatuyo.7

Paningin

Ang diabetic retinopathy ay maaaring magdulot ng malabong paningin o dark spots sa paningin.8

Isa itong karaniwang sintomas ng diabetes sa mata na maaaring lumala at humantong sa permanenteng panlalabo ng paningin kung hindi maagapan.

Erectile Dysfunction

Ang hindi kontroladong blood sugar ay sumisira sa ugat at nerves sa reproductive system, kaya humihina ang daloy ng dugo at nagdudulot ng erectile dysfunction (ED).9

Isa itong madalas na sintomas ng diabetes sa lalaki na maaaring makaapekto sa kumpiyansa at kalidad ng buhay.

Maaaring makatulong ang ED medications upang mapabuti ang daloy ng dugo at mapanatili ang mas maayos na erectile function.

Kung nakakaranas ng maraming sintomas ng diabetes, makabubuting magpa-blood test.

Paano malalaman kung may diabetes? Ang Fasting Blood Sugar Test, HbA1c Test, at Oral Glucose Tolerance Test (OGTT) ay pangunahing pagsusuri para malaman kung may diabetes.10,11,12

Kung may mga sintomas ng diabetes tulad ng madalas na pag-ihi, matinding uhaw, pagkapagod, o sugat na hindi gumagaling, kumonsulta agad sa doktor upang maiwasan ang komplikasyon.

Mga gamot at solusyon para sa diabetes control

Ano ang gamot sa diabetes? Mahalagang alamin ang sintomas ng diabetes at gamot na maaaring makatulong sa pagkontrol ng blood sugar at pag-iwas sa komplikasyon.

Ang tamang medication ay tumutulong sa pagpapanatili ng normal na blood sugar levels at pag-iwas sa mga seryosong epekto ng diabetes.

Isa sa mga pinaka-karaniwang gamot ay Metformin, na binabawasan ang produksyon ng glucose sa atay at nagpapabuti sa paggamit ng insulin.13

Para sa iba, maaaring kailanganin ang Sulfonylureas tulad ng Gliclazide at Glipizide, na nagpapataas ng produksyon ng insulin upang mas mabilis maiproseso ang glucose sa dugo.14

Mayroon ding DPP-4 Inhibitors gaya ng Sitagliptin, na nagpapabagal ng breakdown ng hormones na sumusuporta sa blood sugar control.15

Get GoVital: 30-day diabetes meds + free doctor consult.

Paano ka matutulungan ng GoVital diabetes care?

Alam mong dapat mong alagaan ang diabetes, pero paano kung hindi mo na kailangang pumila sa botika, maghanap ng doktor, o mag-alala kung maubusan ka ng gamot?

Dito pumapasok ang GoVital.

Sa GoVital, pinapadali ang pangangalaga sa diabetes mo sa tulong ng medical assessments, health plans, at check-ups. Sa isang simple at tuluy-tuloy na plano, makakakuha ka ng:

  1. Konsultasyon upang matiyak na tama ang treatment plan mo.
  2. Support para sa home monitoring ng diabetes.
  3. 24/7 support team na laging handang sumagot sa mga tanong mo.

Simulan mo ang diabetes care ngayon!

About GoRocky

Sa GoRocky, mas pinadali namin ang pag-access ng discreet, affordable, and effective treatments para sa kalusugan ng lalaki. Mula sa problema sa performance hanggang sa pagkalagas ng buhok at pamamahala ng timbang, may solusyon kaming maaasahan.

Nagsimula kami sa paggamot para sa erectile dysfunction at ngayon ay lumawak na sa iba pang mahahalagang cases. Kabilang na rito ang Finasteride para sa pagkalagas ng buhok, Saxenda para sa pamamahala ng timbang, at delay ejaculation para sa mas mahusay na performance. Sa pamamagitan ng online consultations, FDA-approved na gamot, at libreng nationwide delivery, binabago namin ang paraan ng pag-aalaga ng mga lalaki sa kanilang kalusugan.

Para sa karagdagang katanungan, maaari mong i-contact ang aming friendly customer support team sa support@gorocky.ph o sa +63 966 952 8623.

*Ang impormasyong ibinigay sa platform na ito ay para sa mga layuning pang-edukasyon lamang at hindi kapalit ng propesyonal na payo, pagsusuri, o paggamot mula sa mga medikal na eksperto. Palaging kumonsulta sa iyong doktor o ibang kwalipikadong tagapangalaga ng kalusugan para sa anumang katanungan na maaaring mayroon ka tungkol sa isang medikal na kondisyon.

Will you join thousands of happy customers?

[1] What Is Diabetes? National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. Updated April 2023. Accessed March 10, 2025.

[2] Lenherr S, Jones K. Do You Urinate a Lot? It Might Be Diabetes. Health Library. November 18, 2021. Accessed March 10, 2025.

[3] Diabetes and Dry Mouth. Cleveland Clinic. Updated March 7, 2022. Accessed March 10, 2025.

[4] What You Should Know About Unexplained Weight Loss and Diabetes. Published January 24, 2022. Accessed March 10, 2025.

[5] Dhaliwal SK. Type 2 diabetes. MedlinePlus. Updated February 20, 2024. Accessed March 10, 2025.

[6] Foot and Toe Ulcers. Cleveland Clinic. Updated April 27, 2022. Accessed March 10, 2025.

[7] Diabetes and Your Skin. US Centers for Disease Control and Prevention. Published May 15, 2024. Accessed March 10, 2025.

[8] Diabetic Retinopathy. National Institutes of Health, National Eye Institute. Updated December 10, 2024. Accessed March 10, 2025.

[9] Diabetes and Men. US Centers for Disease Control and Prevention. Published May 15, 2024. Accessed March 10, 2025.

[10] Fasting Blood Sugar Test. Cleveland Clinic. Updated January 31, 2025. Accessed March 10, 2025.

[11] Hemoglobin A1C (HbA1c) Test. MedlinePlus. Accessed March 10, 2025.

[12] In brief: What do glucose tolerance tests involve? National Library of Medicine. Updated December 18, 2023. Accessed March 10, 2025.

[13] Corcoran C, Jacobs TF. Metformin. In StatPearls. National Library of Medicine. Updated August 17, 2023. Accessed March 10, 2025.

[14] Harrower ADB. Efficacy of gliclazide in comparison with other sulphonylureas in the treatment of NIDDM. Diabetes Res Clin Pract. 1991;14(2):S65-S67. doi: 10.1016/0168-8227(91)90010-b.

[15] Sitagliptin. MedlinePlus. Updated February 15, 2024. Accessed March 10, 2025.

GoRocky Editorial Standards
At GoRocky, we adhere to strict sourcing guidelines to ensure that the health information we provide is both accurate and up-to-date.

We rely on trusted, peer-reviewed studies, renowned academic research institutions, and respected medical associations.

If you spot a mistake or have feedback, please let us know at support@gorocky.com.
Angelique Tongson, MD
Dr. Angelique Tongson is a licensed general practitioner who passed the October 2024 Physician Licensure Examinations. Currently, she is practicing as a general physician and is committed to delivering patient-centered care.

We are here to help.

Start your consultation with GoRocky today.