Mga sanhi, dahilan, at solusyon sa paglalagas ng buhok, mula lifestyle tips hanggang epektibong gamot na pwedeng simulan habang maaga pa.
Key Takeaways
Ang paglalagas ng buhok ay karaniwang concern ng maraming lalaki, at kapag hindi agad naaksyunan, pwedeng tumuloy ang pagnipis ng buhok.
Unang mapapansin ito sa pagdami ng buhok na nakikita habang sinusuklay ang buhok o pagkatapos maligo.
Kung tuloy-tuloy ang sobrang paglalagas ng buhok at walang tumutubong bagong buhok, posibleng may mas malalim na dahilan.
Pero may mga paraan para maiwasan ito: kabilang na ang tamang diet, stress management, at consistent na hair care o treatments.
Kumilos habang maaga pa. Sa guide na ito, tatalakayin natin ang mga sanhi, mga pwedeng gawin, at kung kailan na dapat kumonsulta sa eksperto.
Normal ang hair fall. Sa isang araw, madalas mga 50-100 na hibla ng buhok ang nalalagas bilang bahagi ng natural growth cycle ng buhok.
Kung mas mataas dito ang nawawalang buhok, hindi na napapalitan ng bagong tubo, o may kapansin-pansing pagnipis, hindi na ito normal at maaaring senyales ito ng hair loss.1
Ang pansamantalang paglagas ng buhok ay maaaring dulot ng stress, lagnat, o physical strain, at kadalasang humihinto habang gumagaling ang katawan.
Samantalang ang patterned na pagnipis, gaya ng pag-atras ng hairline o pagnipis sa tuktok ng anit ay karaniwang may kinalaman sa male pattern baldness, hormonal imbalance, o kakulangan sa nutrisyon.1
Kapag hindi bumabalik ang dating kapal ng buhok sa loob ng ilang linggo o buwan, mahalagang alamin ang ugat ng problema upang maagapan ito nang tama gamit ang mga gamot sa paglalagas ng buhok.
Ano ang alopecia? Ang male pattern baldness (androgenetic alopecia) ay isang namamanang kondisyon na madalas lumalabas sa 20s o 30s, pero maaari ring maranasan ng mga teenager.2
Kadalasan, nagsisimula ito sa pag-atras ng hairline at pagnipis ng buhok sa tuktok ng ulo. Sanhi ito ng sensitivity ng hair follicles sa DHT (isang byproduct ng testosterone) na nagpapaliit sa mga ugat ng buhok hanggang sa huminto ang pagtubo.
Kung may lahi ng pagkakalbo sa pamilya, mas mataas ang posibilidad na maranasan mo ito. Pero kung mas maaga itong ma aksyunan, mas epektibong mapipigilan ang paglala.
Ang chronic stress ay maaaring magdulot ng telogen effluvium, isang kondisyon kung saan sabay-sabay na pumapasok sa resting phase ang maraming hair follicles.2 Madalas itong resulta ng physical o emotional strain.
Kasama rin dito ang hormonal imbalance, gaya ng mababang thyroid function o hindi balanseng testosterone.
Kapag naapektuhan ang hormones, humihina ang signals na kailangan para manatili sa growth phase ang buhok.
Ang buhok ay gawa sa keratin, isang uri ng protein. Kaya kung kulang ang protein intake, nagiging marupok ang buhok at mas madaling malagas.
Kapag kulang ka sa iron, humihina ang blood flow papunta sa hair follicles, habang ang kakulangan sa biotin ay nakakaapekto sa cell regeneration, kabilang na ang pagtubo ng bagong buhok.3
Kapag hindi sapat ang nutrisyon, humihina ang ugat at nababawasan ang kakayahan ng buhok na manatili sa anit.
Ano ang dahilan ng paglalagas ng buhok? May ilang uri ng gamot na may posibilidad mag-trigger ng hair loss,4 tulad ng:
Hindi ito dahilan para basta itigil ang iniinom na gamot, pero kung mapapansin mong nagsimula ang hairfall kasabay ng bagong maintenance, mas mainam itong ipagbigay-alam sa doktor.
Kapag alam mo na ang posibleng sanhi ng pagnipis, mas madali nang kumilos. Narito ang maari mong gawin para suportahan ang buhok mo:
Ang buhok ay nangangailangan ng tamang nutrients para manatiling malusog at matibay.5 Isama sa diet ang:
Ang matagal na stress ay pwedeng magpahinto ng pagtubo ng buhok. Nakakasira ito sa hormone balance at nagpapataas ng cortisol. Para ma-manage ito:
Iwasan ang mainit na tubig, marahas na pagpupunas, at pagsusuklay habang basa ang buhok, ito ang mga small habits na nagpapalala ng pagnipis.
Gumamit ng mild, sulfate-free shampoo at banlawan nang maayos ang anumang product buildup.
Gawin ring habit ang regular scalp massage dahil pinapaganda nito ang blood flow at nagbibigay ng mas maraming nutrients sa hair follicles.
Uri ng gamot: Iniinom na tableta.
Para kanino: Mga lalaking may receding hairline o male pattern baldness.
Paano ito tumutulong: Pinipigilan ang pagtaas ng DHT, ang hormone na nagpapahina sa hair follicles. Kapag nabawasan ang DHT, bumabagal ang pagnipis at maaaring manumbalik ang kapal ng buhok.6
Ano ang aasahan:
Uri ng gamot: Oral capsule na pinagsama ang Minoxidil at Finasteride Atepros.
Para kanino: Mga lalaking gusto ng simpleng regimen pero full-strength ang epekto.
Paano ito tumutulong: Kombinasyon ng dalawang proven treatments—sabay nitong tinatarget ang hormone (DHT) at sinusuportahan ang blood flow sa anit.
Ano ang aasahan:
Ang susi sa magandang resulta ng hair treatments ay consistency. Hindi ito instant na solusyon, karaniwang lumalabas ang epekto matapos ang ilang buwang tuloy-tuloy na paggamit.
Kung makaranas ka ng konting paglalagas sa simula, huwag mabahala. Natural ito habang naga-adjust ang hair cycle.
Mas mainam ding samahan ng healthy diet, stress management, at tamang hair care para mas suportado ang epekto ng treatment, dahil mas malakas ang resulta kapag pinagsama ang gamot at lifestyle changes.
Kung ilang linggo mo nang sinusubukan ang diet, vitamins, at tamang hair care pero walang pagbabago, baka hindi na sapat ang home remedies.
Kung may patches ng paglalagas o may kasamang sintomas gaya ng pangangati o pamumula ng anit, kailangan mo na ng tulong galing sa mga eksperto gaya ng GoRocky.
Sa GoRocky, hindi mo na kailangang hulaan kung anong gamot ang bagay sa’yo. Sagutan mo lang ang online form, at bibigyan ka ng rekomendasyon para sa treatment na bagay sa lagay ng buhok mo mula sa isang lisensyadong doktor.
Simulan na ang iyong konsultasyon ngayon.
Normal ang malagas ang 50–100 hibla ng buhok kada araw.
Pero kung mas marami rito ang nalalagas, may pattern ng pagnipis, o walang bagong tubo, posibleng may male pattern baldness, hormonal imbalance, o nutrient deficiency ka. Mas mabuting magpakonsulta sa GoRocky habang maaga pa.
Para maiwasan ang hair loss, alamin ang paglalagas ng buhok sanhi at lunas. Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng itlog, mani, at leafy greens.
Suportahan ito ng biotin, zinc, at iba pang supplements. I-manage ang stress, gumamit ng mild shampoo, at regular na i-massage ang anit para sa mas maayos na blood flow.
Oo. Ang mataas na stress ay maaaring magdulot ng telogen effluvium—isang kondisyon kung saan maraming buhok ang sabay-sabay nalalagas. Pwede itong tumagal ng ilang buwan kung hindi na-manage agad.
May mga medically prescribed treatments tulad ng Finasteride na pwedeng makatulong sa pag-control ng hair loss. Pero hindi lang gamot ang sagot; mahalaga rin ang tamang diet, stress management, at pag-iwas sa mga harsh hair products.
Kailangan ng consistency sa paggamit ng treatment at healthy lifestyle para makita ang magandang resulta. Mas mainam din mag-consult sa doktor para sa tamang advice at guidance.
Ang GoRocky ay isang health platform para sa kalalakihan: discreet, abot-kaya, at 100% online.
Ginagawa naming mas madali ang pag-aalaga sa sarili sa pamamagitan ng mga subok at epektibong solusyon para sa mga isyung gaya ng erectile dysfunction, diabetes, at pagpapapayat.
Simple lang ang proseso: sagutan ang form, kumonsulta sa lisensyadong doktor, at bibigyan ka ng rekomendasyon ukol sa treatment mo. Lahat ito gagawin mo nang walang pila, walang hiya, walang hassle. Naniniwala kami na ang pag-aalaga sa sarili ay dapat normal lang at walang stigma.
Nandito kami para suportahan ka—mula sa mental health hanggang chronic care tulad ng diabetes management. Para sa karagdagang katanungan, maaari mong i-contact ang aming friendly customer support team sa support@gorocky.ph o sa +63 966 952 8623.
*Ang impormasyong ibinigay sa platform na ito ay para sa mga layuning pang-edukasyon lamang at hindi kapalit ng propesyonal na payo, pagsusuri, o paggamot mula sa mga medikal na eksperto. Palaging kumonsulta sa iyong doktor o ibang kwalipikadong tagapangalaga ng kalusugan para sa anumang katanungan na maaaring mayroon ka tungkol sa isang medikal na kondisyon.
[1] Hair Loss. Cleveland Clinic. Updated August 26, 2021. Accessed April 8, 2025.
[2] Male Pattern Baldness (Androgenic Alopecia). Cleveland Clinic. Updated December 9, 2022. Accessed April 8, 2025.
[3] Does Iron Deficiency Cause Hair Loss? Cleveland Clinic. Updated April 21, 2022. Accessed April 8, 2025.
[4] Ulrich A. 12 Medications That Cause Hair Loss. GoodRx. Updated January 12, 2024. Accessed April 8, 2025.
[5] Fisher J. Vitamins, minerals, and hair loss: Is there a connection? Harvard Health Publishing. Updated April 22, 2024. Accessed April 8, 2025.
[6] Zito PM, Bistas KG, Patel P, Syed K. Finasteride. StatPearls. Updated February 28, 2024. Accessed April 8, 2025.